Nasamsam ang tinatayang Php149,000 halaga ng shabu mula sa isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela City PNP sa Daez St., Barangay Karuhatan, Valenzuela City dakong 9:10 ng gabi ng Mayo 17, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Relly B Arnedo, Officer-In-Charge, ang suspek na si alyas “Roberto”, 56-anyos na construction worker.
Nasamsam mula sa suspek ang limang (5) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 22 gramo at may tinatayang halaga na Php149,600, marked money at coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng NPD, ang tagumpay na ito bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng NCRPO AAA Strategy laban sa ilegal na droga.
Source: NPD PIO