Pasay City — Tinatayang Php149,600 halaga ng shabu ang nakumpiska sa pitong high-value target na drug suspect sa buy-bust ng Southern Police District nito lamang Miyerkules, Hulyo 13, 2022.
Kinilala ni SPD Director, PBGen Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Reynaldo Blacer Gomez alyas “Danny,” 50, drug den maintainer at SLI user; Ener Ragay Dominguez, 36; Romeo Toepe Cortez, 26, grab express driver; Denver Donggon Dominguez, 18; Joseph Cabidog Tablada, 46, pedicab driver; Marjohn Abenojar Guinto, 34; at Orly Manalo Donggon, 35, construction worker, pawang mga residente ng Pasay City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong 7:30 ng gabi naaresto ang mga suspek sa No. 51 Mary Luz M Dela Cruz Barangay 127, Pasay City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit, DID, Station Drug Enforcement Unit ng Pasay at PDEA.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, narekober mula sa mga suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php149,600, isang genuine Php500 na ginamit bilang buy-bust money, at isang pulang pitaka.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, at 11 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Muli kong binabati ang ating mga operatiba ng DDEU at mga kasama nito sa kanilang matagumpay na operasyon sa drug den na nagsisilbing pugad ng mga pushers at users. Umaasa ako na sunod-sunod na ang magiging operasyon natin kontra ilegal na droga at magsilbi na sana itong babala sa ating mga kababayan na patuloy sa ganitong kalakalan. Ang SPD ay magpapatuloy sa kampanya kontra ilegal na droga,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos