Nueva Ecija – Nakumpiska ang tinatayang Php146,500 halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng Talavera PNP sa Brgy. Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-28 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richard Caballero, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Ernesto”, 30, residente ng Brgy. Magsaysay Norte, Cabanatuan City.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 1,200 gramong bigat ng marijuana na nagkakahalaga ng Php146,500; 20 pirasong boodle money; isang unit color black Mitsubishi Mirage na may Plate No. NDO 7379; dalawang piraso na rubber/glass marijuana pipes; isang weighing scale; isang sling bag; at dalawang belt bags.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Nueva Ecija PNP sa pagsugpo laban sa ilegal na droga upang mabawasan ang demand ng droga sa kanilang nasasakupan.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3