Surigao City – Nabigyan ng Php144,000 cash assistance ang dating rebelde mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno sa Provincial Governor’s Office Capitol ng Surigao City nitong Martes, Marso 1, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rudy Elandag, Deputy Provincial Director for Operation ng Surigao Del Norte Provincial Police Office, si alyas “Jay-R” ay dating Vice Commanding Officer ng SDG 16 ng New People’s Army (NPA) na boluntaryong sumuko noong nakaraang taon.
Pinangunahan ni Governor Francisco Matugas, Gobernador ng Surigao City kasama si Police Lieutenant Colonel Elandag, ang pag-turnover ng pitumpu’t siyam na libong piso para sa firearm renumeration at animnaput limang libong piso para sa livelihood assistance kay alyas “Jay-R”.
Dagdag pa dito, dumalo rin sa nasabing turnover ceremony sina DILG Provincial Director, Johnryl Mosquito, 30IB Battalion Commander, Lieutenant Colonel Ryan Charles Callanta, Provincial Social Welfare Officer ng DSWD, Fe Saumat.
Patunay lamang na taos puso ang binibigay na suporta ng ating gobyerno para sa ating mga kapatid na nagbabalik-loob.
Muli namang nanawagan ang PNP Caraga sa mga natitira pang miyembro ng makakaliwang grupo na sumuko na at yakapin ang tunay na kapayapaan.
####
Panulat ni Patrolman Cadapan RPCADU13
Tunay n may malasakit salamat sa gobyerno natin