Malabon City – Kalaboso ang dalawang lalaking suspek matapos mahulihan ng tinatayang Php143,480 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malabon City Police Station nito lamang Huwebes, Nobyembre 30, 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Bunso” (Pusher/Newly Identified), 39, at naninirahan sa Barangay 5, Caloocan City; at alyas “Yas” (User/Newly Identified), 20, residente ng Barangay Maharlika, Taguig City.
Ayon kay PBGen Gapas, nagsagawa operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek bandang 10:30 ng gabi sa kahabaan ng Pinagtipunan Circle corner Santol Road, Brgy. Potrero, Malabon City.
Sa operasyon, nasamsam ng mga otoridad ang anim (6) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at may kabuuang timbang na 21.10 gramo at nagkakahalaga ng Php143,480; isang Php500 buy-bust money at isang itim na pitaka.
Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Gapas ang mga operatiba ng Malabon CPS para sa mabilis na pag-aksyon sa nasabing operasyon.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos