Valenzuela City —Tinatayang Php142,800 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang construction worker sa buy-bust ng pulisya ng Valenzuela City, nito lamang madaling araw ng Huwebes, March 17, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Hidalgo, Jr, District Director ng Northern Police District ang suspek na si Albert Rinos y Diocariza alyas “Abet”, 40 taong gulang, isang construction worker, my kinakasama at residente ng Phase 1 Blk. 5 Lot 5 Degula Compound Gen T De Leon, Valenzuela City.
Ayon kay PBGen Hidalgo, Jr, bandang alas-2:30 ng madaling araw naaresto si Rinos sa Rami St., Gen T De Leon, Valenzuela City sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police Station.
Ayon pa kay PBGen Hidalgo, Jr, nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet (object of sale) at tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na parehong naglalaman ng pinaghihinalang shabu na humigit kumulang 21 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng Php142,800, isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money kasama ang walong pirasong Php1,000, isang android cellphone, at isang yellow coin purse.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Tiniyak ni PBGen Hidalgo, Jr na tuloy-tuloy na nilang ipapatupad sa kanilang hanay ang mas pinaigting na Campaign Plan Double Barrel Finale Version 2022 o ang Anti-Illegal Drugs Operations thru Reinforcement and Education (ADORE).
###
Tagumpay saludo ako s mga alagad ng batas