Sunday, November 17, 2024

Php140K halaga ng marijuana narekober ng Caloocan PNP; 2 binatilyo kalaboso

Caloocan City – Kalaboso ang dalawang binatilyo matapos marekober sa kanila ang tinatayang Php140,800 halaga ng marijuana ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Linggo, Mayo 7, 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District (NPD), ang mga suspek na sina alyas “Jeyem”, 23, tricycle driver; at John Lester, 20, Roll up Installer, pawang mga residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr., nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng OCOP- DEU, CCPS at ng 3rd MFC-RMFB, NCRPO, dakong 4:00 ng madaling araw, sa kahabaan ng Phase 7-B Brgy. 176 Caloocan City na naging sanhi ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska ng mga otoridad ang isang medium-heat sealed transparent plastic sachet at tatlong ziplock plastic bag na naglalaman ng mga tuyong dahon na may pinaniniwalaang marijuana na tinatayang may timbang na 1,190 gramo at nagkakahalaga ng Php142,800; isang tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money; isang Eco Bag na may label na ALFAMART at isang itim na plastic bag.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang kapulisan ng Northern Metro na magsasagawa ng mga operasyon upang maiwasan ang mga paggawa ng mga ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles