Benguet – Tinatayang Php14,400,000 halaga ng tuyong tangkay ng marijuana ang nadiskubre ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Major Internal Security Operation sa Sitio Lamagan, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Sabado, Pebrero 25, 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Elpidio Pagoy, Force Commander, 1st Benguet Provincial Mobile Force Company, natuklasan ng mga operatiba sa dalawang plantation site ang humigit kumulang 120 kilos ng tuyong tangkay ng marijuana na may tinatayang Standard Drug Price na Php14,400,000.
Agad namang sinunog ng mga operatiba ng Benguet 1st PMFC ang nadiskubreng mga marijuana.
Ang matagumpay na operasyon ng 1st Benguet PMFC ay isa lamang sa mga resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga alinsunod sa mga programa ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Program.
Source: First Benguet PMFC