Cebu City – Tinatayang Php14,110,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng kapulisan ng Cebu City nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director, Police Regional Office 7, ang suspek na si Mark Secretaria Duaban, 42, may asawa, residente ng Sitio Seaside, Brgy. Duljo Fatima, Cebu City.
Ayon kay PBGen Vega, nahuli ang suspek bandang 10:30 ng gabi sa Sitio Black Cats, Brgy. Duljo Fatima, Cebu City ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7.
Ayon pa kay PBGen Vega, ang suspek ay kabilang sa High Value Individual sa rehiyon.
Dagdag pa ni PBGen Vega, nakuha kay Duaban ang 2,075 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php14,110,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang buong puwersa ng kapulisan laban sa ilegal na droga ay malaking bahagi ng kampanya ng ating Gobyerno na mapuksa ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio
Great work thanks PNP
Good job saludo kami sa mga alagad ng batas