Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakasabat ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php137,360 dakong 11:33 ng gabi noong Hunyo 3, 2025 sa Purok 2, Barangay Magdug, Governor Generoso, Davao Oriental.
Kinila ni Police Captain Joeffre Q Narido, Officer-In-Charge, Governor Generoso Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jessie”, 47 taong gulang.
Nasabat mula sa suspek ang 20.2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php137,360 at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Ang pamahalaan at mga tagapagpatupad ng batas ay patuloy na magsasagawa ng mas pinaigting na operasyon upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating bayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino