Gen. Trias City, Cavite – Tinatayang Php136 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng PNP-PDEA nito lamang Huwebes, June 2, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang mga suspek na sina Elaine Calusin Maningas, 31; Ricardo Calusin Santilla, 51 at Laurel Salceda Dela Rosa, 42.
Ayon kay PBgen Yarra, bandang 5:00 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Blk 11, Lot 1, Buenavista Town HMS, Brgy, Buenavista 1, Gen. Trias City, Cavite ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-NCR Southern District Office, Philippine Drug Enforcement Agency 4A-Cavite Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit/PIB, Armed Forces of the Philippines, Gen. Trias City Police Station-Drug Enforcement Unit, Cavite Police Provincial Office, PDEA IS, PDEA SIU NOTH, PN at FILD.
Ayon pa kay PBgen Yarra, nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 20 kilos na nagkakahalaga ng Php136,000,000 at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Yarra, PRO4A Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek na makatutulong upang makamit ang kanilang layunin na gawing drug free ang CALABARZON.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz