Nasamsam ang tinatayang Php136,000 halaga ng shabu at arestado naman ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pugaan, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-15 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Muhiddin A Pagayawan, Officer-In-Charge ng Marawi City Police Station, ang suspek na si alyas “Oking”, 34 anyos, magsasaka, na residente ng nasabing lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek nang isagawa ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng Marawi City Police Station katuwang ang City Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 18 heat-sealed transparent plastic sachets na pinaniniwalang shabu na may bigat na 20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php136,000, buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang pagsasagawa ng mas pinaigting na anti-illegal drugs operations ng pulisya upang mapuksa ang ilegal na droga sa lalawigan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya