Batangas – Nasamsam ang tinatayang Php136,000 halaga ng shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Sto. Tomas City PNP nito lamang Oktubre 15, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Samson Belmonte, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Lester’’, 21, residente ng Tanauan City, Batangas.
Naaresto ang suspek bandang 6:20 ng umaga sa Brgy. San Roque, Santo Tomas City, Batangas sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Santo Tomas City Police Station.
Nasamsam sa suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may humigit kumulang na timbang na 20 gramo na nagkakahalaga ng Php136,000, Php10,000 bilang boodle money at isang Mistsukoshi motorcycle.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PCol Belmonte ang sigasig ng Sto. Tomas City PNP sa kanilang dedikasyong burahin ang ilegal na pagbenta at paggamit ng droga sa siyudad para masigurado ang kabawasan ng krimen at masisirang kinabukasan ng mamamayan lalo na sa mga kabataan.
Source: Batangas Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin