Caloocan City — Umabot sa Php136,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Sabado, Pebrero 25, 2023.
Kinilala ni Northern Police District Director PBGen Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang mga suspek na sina alyas “Erwin”, 35 at Josel, 28, na pawang mga residente ng Barangay 73 ng Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, dakong 4:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa nasabing operasyon sa kahabaan ng Abbey Road 2, Barangay 73, Caloocan City ng pinagsanib puwersa ng Drug Enforcement Unit SDEU-CCPS at PDEA-RONCR.
Nasabat sa mga suspek ang apat na medium heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na may bigat na 20 gramo at may Standard Drug Price na Php136,000; at isang tunay na Php500 na may kasamang siyam (9) na piraso ng Php1,000 na peke/boodle currency na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, mahaharap naman ang mga suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Peñones ang kanyang mga tauhan sa alertong pagtupad ng kanilang tungkulin at paiigtingin pa aniya ang kampanya kontra ilegal na droga upang mahuli ang mga indibidwal na gumagamit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot nang sa gayo’y maging drug free ang bansa
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos