Nasabat ang tinatayang Php136,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa isinagawang operasyon sa Purok Isla, Degami Turno, Dipolog City nito lamang ika-26 ng Nobyemre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin D Verzon, Chief of Police ng Dipolog City Police Station, ang suspek na si alyas “Jin”, 32 anyos, lalaki, at residente ng Purok Tungo Minaog, Dipolog City.
Ikinasa ang buy-bust operation ng Dipolog CPS kasama ang RDEU 9 at 1st ZNPMFC, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska ng isang heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang malaking heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php136,000, isang piraso ng Php1,000 bill bilang marked money at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Patuloy ang Zamboanga PNP sa mas lalong pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco