Nasabat ang tinatayang Php136,000 halaga ng shabu sa dalawang arestadong suspek sa isinagawang operasyon ng Marantao Municipal Police Station sa Barangay Camalig Bandara Ingud, Marantao, Lanao del Sur noong ika-12 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Bobby E Egera, Hepe ng Marantao MPS, ang mga suspek na sina alyas “Alfonso”, 41 anyos at si alyas “Mamao”, 36 anyos na pawang residente ng Barangay Cawayan Kalaw, Marantao, Lanao del Sur.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Marantao MPS at pagkakakumpiska ng siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang timbang na 20 gramo at nagkakahalaga ng Php136,000; isang bundle ng boodle money na tig-isang libong piso na ginamit bilang buy-bust money; dalawang piraso ng improvised tooter; isang YAMAHA NMAX; tatlong piraso ng identification card; at dalawang piraso ng belt bag.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang inihahanda laban sa mga suspek.
Patuloy na nagsagawa ng mga operasyon ang ating kapulisan para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas para mapanatiling mas maayos, tahimik at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui