Camiling, Tarlac – Arestado ang anim na drug suspect at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng Tarlac PNP nito lamang Huwebes, Agosto 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rainier Mercado, Chief of Police ng Camiling Municipal Police Station, ang mga suspek na sina Ian Tiamzon y Concepcion, 32, residente ng Brgy. Poblacion, Camiling, Tarlac; Dextie Dizon y Sinense, 43, residente ng Brgy. Poblacion, Camiling, Tarlac; Jeffrey Pascual y Gravides, 36, residente ng Brgy. San Miguel, Tarlac City; Arnel Elenzano y Reataza, 35, residente ng Brgy. Poblacion, Camiling Tarlac; Ricarte Prudencio y Pedrosa, 30, residente ng Brgy. Bangkay, Camiling, Tarlac; Kacy Chris Grospe, 31, residente ng Brgy. San Isidro, Camiling, Tarlac
Ayon kay PLtCol Mercado, bandang 6:12 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Brgy. Poblacion A, Camiling, Tarlac ng pinagsanib pwersa ng Camiling MPS, Provincial Intelligence Unit ng Tarlac Police Provincial Office at Provincial Drug Enforcement Unit ng Tarlac.
Narekober mula sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php136,000; at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy pa rin ang pangangampanya ng PNP laban sa ipinagbabawal na gamot para tuluyang mahuli ang mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga na sumisira sa kinabukasan ng ating mamamayan.
Source: Tarlac Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera