Arestado ng Naga City PNP ang isang driver matapos mahulihan ng Php136,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Zone 5, Barangay Balatas, Naga City, nito lamang ika-12 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Melvin S Alayan, Station Commander ng Naga City Police Station 6, ang suspek na isang 40 anyos na lalaki, may asawa, driver at residente ng Barangay San Vicente, Milaor, Camarines Sur.
Bandang 9:30 ng gabi ng ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Naga City Police Station 6, CPDEU- NCPO sa pakikipag-ugnayan sa PDEA.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang Php136,000 halaga ng ilegal na droga at ito ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng ilang araw ng estratehikong pagpaplano, pagsubaybay, at pangangalap ng impormasyon ng mga operatiba ng Naga City PNP sa pamamagitan ng malawakang intelligence-driven operation para layuning linisin ang lungsod ng Naga sa ipinagbabawal na droga.
Source: Naga City Police Office
Panulat ni Pat Rodel Grecia