Caloocan City — Umabot sa Php136,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Lunes, Marso 20, 2023.
Kinilala ni PBGen Rogelio Ponce Peñones Jr, District Director ng Northern Metro, ang mga suspek na sina alyas “She”, 27; alyas “Banoy”, Pusher, 25; alyas “Kang-Kang”, 23, Pusher; alyas “Mae”, 21, pawang mga Newly Identified Drug Personality at residente ng Quezon City.
Ayon kay PBGen Peñones lll, dakong 05:00 ng madaling araw nang maaresto ang apat sa kahabaan ng EDSA Corner J. Mariano Street, Barangay 95, Caloocan City ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit DEU ng Caloocan CPS.
Nasamsam sa mga suspek ang isang large at tatlong medium self-sealing transparent plastic bag na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana, isang medium heat-sealed transparent plastic bag na pinaniniwalaang shabu, at isang paper bag (Penshoppe)
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni DD, NPD na lalo pang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng bawat indibidwal sa distrito.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos