Nakumpiska ang tinatayang Php135,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ng Picong MPS sa Sea Shoreline Barangay Tuca, Picong, Lanao del Sur noong ika-16 ng Mayo 2024.
Bandang 10:30 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Picong MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang hindi kilalang motorized pump boat o “bangka” ang dumaong sa nasabing lugar at nagdiskarga ng mga kahon-kahong hinihinalang smuggled na sigarilyo.

Agad namang gumawa ng agarang aksyon ang naturang istasyon katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company, LSPPO; at Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operatins Group, LSPPO na nagresulta ng pagkakumpiska ng siyam na kahon ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo; anim na kahon ng YS brand; tatlong kahon ng GIFT brand na may tinatayang halagang Php135,000 at pagkakaaresto ng mga suspek.
Ayon kay Police Lieutenant Justine Vergara, Platoon Leader ng 2nd Provincial Mobile Force Company, LDSPPO patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pinaniniwalaang mga dayuhan.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ngayon ng Picong MPS para sa dokumentasyon bago isumite sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.
Ang mas pinaigting at mahusay na operasyon ay naglalarawan sa pagkakaisa ng ahensya upang mapigilan ang mga ilegal na aktibidad para sa kapakanan ng mamamayan
at kaligtasan ng komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui