Nasamsam ng mga operatiba ng PNP CARAGA ang tinatayang Php134,000 halaga ng smuggled cigarettes sa dalawang indibidwal sa Barangay Quirino, Madrid, Surigao del Sur nito lamang Hunyo 14, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang dalawang naaresto na sina alyas “Art”, 54 at alyas “Lilia”, 31, pawang mga residente ng Barangay Quirino sa nabanggit na bayan.
Sa operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang 48 reams ng New Aris, 47 reams ng Cannon, 48 reams ng Fort black, 43 reams ng Casablanca Premium, 33 reams ng New Orleans American, 34 reams ng Delta Regular Blend, 15 reams ng Fort Menthol, 14 reams ng Casablanca Menthol, 13 reams ng New Orlin, 3 reams ng Grand Oxford fill task, 13 packs ng Cannon Menthol, tatlong packs ng Delta, dalawang packs ng Casablanca Premium, tatlong packs ng Port Menthol, tatlong packs ng New Orleans, at dalawang packs ng Cannon na may kabuuang halaga na Php134,200.
Paglabag sa Republic Act No. 4712 o ang “Act Amending Certain Sections of the Tariff and Customs Code of the Philippines” ang isasampa laban sa dalawang suspek.
“Hindi namin kinukunsinti ang mga ipinagbabawal na pangangalakal ng sigarilyo sa aming rehiyon. Kami ay pursigido sa aming pagsisikap na labanan ang lahat ng uri ng smuggling na aktibidad”, pahayag ni PBGen Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin