Southern Police District – Tinatayang Php130,880 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng pulisya sa Las Piñas at Muntinlupa City nito lamang Mayo 20 at 21 2022.
Ayon kay Southern Police District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg, bandang alas-12:00 ng tanghali ng Mayo 21, naaresto ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek sa Durian Street, Golden Acres, Barangay Talon Uno, Las Piñas City.
Kinilala ni PBGen Macaraeg, ang mga suspek na sina Randy Tianan y Balaston alyas “Idol”, 41 at Mark Anthony Tianan y Balaston, 24.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 16.6 gramo na nagkakahalaga ng Php112,880; isang blue coin purse; at Php200 na ginamit bilang buy-bust money.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, sa Muntinlupa City, dakong 10:50 ng gabi ng Biyernes, Mayo 20, naaresto ang isang lalaking drug suspect na kinilalang si Jimmy Baquiran Jr y Pradas alyas “Laong”, 24, sa Old City Terminal, Brgy. Alabang, Muntinlupa City, ng mga operatiba ng Muntinlupa SDEU.
Nakumpiska kay Baquiran ang 14 na zip lock transparent plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon/fruiting top na hinihinalang “marijuana” na may karaniwang presyo na Php18,000; Php500 buy-bust money at isang brown paper bag.
“Muli kong paalalahanan ang lahat ng mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga, ang ating mga operatiba ay walang humpay sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa lansangan. Mahuhuli at mahuhuli ang mga sangkot at haharapin ang kahihinatnan ng inyong mga ilegal na aksyon,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos