Navotas City — Arestado ang dalawang suspek matapos makumpiska sa kanila ang tinatayang Php130,560 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Navotas City Police Station nito lamang Martes, ika-9 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District (NPD), ang mga suspek na sina alyas “Michael”, 34, construction worker, at alyas “Bochok”, 50, na pawang residente ng Brgy. Tangos North, Navotas City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Navotas CPS, dakong 12:35 ng madaling araw sa F. Abola St., Brgy. Tangos North, Navotas City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga nasabing suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money at isang kulay gray card na may kasamang ID case.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin nina alyas “Michael” at “Bochok”.
Tiniyak ni PBGen Peñones Jr, na lalong hihigpitan ang kampanya kontra ilegal na droga sa lugar upang makamtan ang isang mapayapa at maunlad na komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos