Nakumpiska ang Php13,600,000 na halaga ng shabu sa isang magsasaka sa isinagawang PNP-PDEA buy-bust operation sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu noong ika-9 ng Marso 2024.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Toh”, 44 anyos, isang magsasaka, at residente ng Barangay Sapah Malaum, Indanan, Sulu.
Ayon sa ulat, bandang alas-dose ng tanghali nang magsagawa ng joint operation ang mga awtoridad ng PNP Drug enforcement Agency – Sulu katuwang ang mga operatiba ng Indanan MPS, Provincial Investigation Unit SPPO, 1st Mobile Provincial Mobile Force Company SPPO, 54 Special Action Company, 5th Special Action Battalion Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion 14 at 100 Infantry Battalion na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng nasabing suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na may timbang na 2 kilogram at may tinatayang halaga na Php13,600,000, isang cellphone, isang unit ng motorsiklo, Php1000 peso bill at 21 piraso ng bundled photocopied money na ginamit bilang buy-bust money.
Ang naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Serbisyong Nagkakaisa ng Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad na naaayon sa prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang operasyon.
Panulat ni Pat Veronica Laggui