Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang Php13.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang operasyon na isinagawa sa isang operasyon na isinagawa bandang 9:30 ng umaga noong Mayo 28, 2025 sa Purok 4, Barangay Malagutay, Zamboanga City.
Pinangunahan ang operasyon ng RA-ZC, RID9, ZCPS8 Sinunuc, 904th MC RMFB9, at 1st ZCMFC at Bureau of Customs–Port of Zamboanga.
Ayon sa ulat, isang panel truck na may plakang LFN 801 na nakaparada sa gilid ng kalsada at tinakpan ng sako ang mga laman na mga kahina-hinalang ream ng sigarilyo.
Naabutan ng pulisya ang isang lalaking kinilalang si alyas “Tabong”, 38 anyos, may asawa, isang drayber, at residente ng Kasanyangan, Zamboanga City.
Kabilang sa mga nakumpiska ay ang 19 kahon ng Berlin cigarette master cases, 49 reams ng Berlin cigarettes, 16 kahon ng Bravo red cigarette master cases, 2 kahon ng Bravo green master cases at 200 kahon ng BROS cigarette master cases batay sa standard na presyo ng BOC, umabot sa kabuuang halagang Php13,637,410.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 9 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Roel C Rodolfo, Regional Director, laban sa smuggling at mga produktong nakapipinsala sa kalusugan at ekonomiya.
Mariing pinapaalalahanan ang publiko na huwag makisangkot sa ilegal na pagbebenta at distribusyon ng mga produktong walang kaukulang dokumento at babala sa kalusugan.
Ang PNP ay naninindigan para sa isang Bagong Pilipinas na ligtas, malinis, at disiplinado.
Panulat ni Pat Joyce Franco