Caloocan City (January 25, 2022) – Humigit-kumulang sa Php13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation kontra ilegal na droga ng PNP DEG – SOU 3 kasama ang PDEA NCR at Caloocan City Police Sub-Station 12 na nangyari noong Enero 25, 2022 sa Langit Road corner Crusher Street, Phase 9, Package 7C, Bagong Silang, Caloocan City.
Base sa ulat na isinumite, nagsagawa ang nagsamang mga operatiba ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si Janesa Cabardo Canoy aka Jane, 25 taong gulang.
Nasabat sa suspek ang mga ebidensyang isang (1) red plastic bag na may isang (1) Green at Gold na Chinese Tea Bag; isang (1) skyblue plastic sako bag na may isang (1) Green at Gold Chinese Tea Bag na may white crystalline substance na hinihinalang shabu; 15 na bungkos ng boodle money na may dalawang (2) Php1000 bills na may serial numbers MC495458 at S712602; isang (1) brown Louis Vuitton sling bag; isang (1) light brown pouch na may lamang mga ID; at isang (1) black na Oppo Smartphone.
Ang nakumpiskang ilegal na droga ay may timbang na dalawang kilogram na may Standard Drug Price na Php13,600,000. Ito ay dinala sa PNP DEG-SOU 3 kasama ang naarestong suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon habang hinahanda ang mga kaso sa paglabag sa RA 9165.
Binabati ko ang ating walang kapaguran at dedikadong mga operatiba sa isa na namang tagumpay na buy-bust operation. Ang kanilang patuloy na pagsisikap para mahuli ang mga naglalako ng droga ay isang malakas na motibasyon para ang Team NCRPO ay huwag mapagod sa pagpuksa sa bawa’t aktibidad sa ilegal na droga sa Kamaynilaan,” sabi ni PMGen Vicente Danao.
####
(NCRPO-PIO / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion)
Great work PNP congrats