Nakumpiska ang mahigit Php12,000,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ng mga operatiba ng Dangcagan Municipal Police Station sa Purok 1, Barangay Lourdes, Dangcagan, Bukidnon nito lamang ika 19 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Jose Regner M Sevilleno, Chief of Police ng Dangcagan MPS, ang suspek na si alyas “Crisanto”, 26 anyos, driver at residente ng Purok 3, Barangay Tinuay Danda, Kabasalan, Zamboanga City at si alyas “Sendo”, 36 taong gulang, may-asawa, truck helper at residente ng Barangay Sinunuc, Zamboanga City.
Sa isinagawang COMELEC Checkpoint ay nakumpiska mula sa isang Wing Van Isuzu truck na may temporary plate number na 0389-019076 ang 300 master cases ng Cannon Menthol cigarettes na walang Government Health Warning Sticker na nagkakahalaga ng mahigit kumulang Php12,000,000.
Ang suspek ay binasahan ng kanyang karapatan sa linggwaheng kanyang naiintindihan sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o “Government Health Warning” at RA 8293 o “Intellectual Property Code”.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Jaysen C de Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10 ang matagumpay na pagkakakumpiska ng mga smuggled na sigarilyo. “This operation reflects the dedication and determination of our personnel to combat smuggled cigarettes in the region. PRO10 will continue to intensify efforts to intercept contraband and uphold the law across our jurisdiction. I urge the public to join us in this effort by staying vigilant and report any illegal activities to the authorities.”