Mahigit Php12 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon 10 mula Enero hanggang Mayo batay sa ulat ng Police Regional Office 10 nito lamang Martes, Hunyo 18, 2024 sa Camp Vicente Alagar, Cagayan de Oro City.
Ito ay alinsunod sa utos ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP, na mas paigtingin ang laban sa peke at ilegal na mga sigarilyo at para na din sa kaligtasang pangkalusugan ng publiko.
Ayon sa datos, ang siyam na operasyon ay naisagawa at nagresulta ng pagkakahuli ng 16 na indibidwal na nasangkot sa mga ilegal na aktibidad simula nitong Enero hanggang Mayo 2024.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay naharang sa mga pangunahing entry point at mga ruta ng transportasyon sa buong rehiyon, partikular sa Bukidnon, Lanao del Norte, Iligan City, at Cagayan de Oro City.
Ayon kay Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr., ang mga isinagawang operasyon ay resulta ng intelligence gathering at pakikipagtulungan ng komunidad.
Hinikayat niya ang publiko na iulat ang anumang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa pagbebenta at pamamahagi ng mga puslit na sigarilyo sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng kani-kanilang mga hotline numbers.
Nagpapatunay lamang ito na hindi titigil ang PRO 10 sa pagsugpo laban sa mga ilegal na aktibidad para sa isang ligtas at payapa na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Danessa Berdos