Php12M halaga ng mga sasakyan at quarry materials, nasamsam; 4 indibidwal, arestado sa iligal quarrying operations sa Misamis Oriental

0
239

Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang Php12 milyong halaga ng mga sasakyan at quarry materials at apat na katao ang naaresto laban sa iligal quarrying operations sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Laguindingan, Misamis Oriental nito lamang Marso 9, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Nard,” “Rome,” at “Arcos,” pawang residente ng Bukidnon, at alyas “Jo,” residente ng Laguindingan, Misamis Oriental na nahaharap sa reklamong paglabag sa Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 4014-2017.

Narekober sa naturang operasyon ang isang dump truck na may lamang isang cubic meter ng graba, isang Shackman dump truck na may 16 cubic meter ng buhangin at graba, isa pang pulang Shacman Dump Truck na may kargang 16 cubic meter ng buhangin at graba, at isang Volvo Backhoe, na may kabuuang halaga na aabot sa Php12,000,000.

“This successful operation highlights our firm commitment to protect the environment and ensure that our natural resources are utilized responsibly and legally. We will continue to strengthen our collaboration with concerned government agencies to intensify the campaign against illegal quarrying and other environmental violations in the region,” saad ni RD Abrahano.

Leave a Reply