Benguet – Tinatayang Php12,000,000 halaga ng tuyong dahon at tangkay ng marijuana ang nadiskubre ng Kibungan PNP sa isinagawang Marijuana Eradication Operations sa Bang-ay, Lebeng, Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang ika-31 ng Mayo 2023.
Ayon kay Police Captain Efren Anapen, Acting Chief of Police, Kibungan Municipal Police Station, nagsagawa ng Marijuana Eradication ang mga operatiba kasama si Barangay Kagawad Rafael Macanas ng Badeo, Kibungan, Benguet na nagresulta sa pagkadiskubre ng apat na bundle na tuyong dahon at tangkay ng marijuana na nakabalot sa transparent plastic cellophane na may timbang na tinatayang 100 kilogramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php12,000,000.
Walang naarestong suspek subalit patuloy ang imbestigasyon ng Kibungan PNP upang madakip ang mga cultivator ng nadiskubreng marijuana.
Sinisigurado naman ni Police Captain Anapen na hindi titigil ang mga operatiba ng Kibungan PNP bagkus mas lalong paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga para sa ikakaunlad ng kanilang nasasakupan.