Kalinga – Tinatayang nasa Php127,593 halaga ng marijuana leaves ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang motorista sa Sitio Dinakan, Brgy. Dangoy, Lubuagan, Kalinga nito lamang ika-17 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Freddie Lazona, Officer-In-Charge ng Kalinga Police Provincial Office, ang naaresto na 30 anyos at residente ng Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Nakumpiska ng mga tauhan ng Lubuagan Municipal Police Station at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company ang nasabing marijuana dahil sa patuloy na pagsasagawa ng COMELEC Checkpoint.
Nadiskubre ang 1.36-kilogram na marijuana leaves sa loob ng bag ng suspek na nakabalot sa transparent plastic na may tinatayang halaga ng Php127,593.
“Hinihikayat ko ang publiko na patuloy na suportahan ang kampanya ng PNP laban sa mga ilegal na aktibidad”, saad ni PCol Lazona.