Nasamsam ang Php126,752 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Baliok Police Station sa Purok Sto. Niño, Barangay Dumoy, Talomo District, Davao City noong Enero 6, 2025.
Ayon kay Police Major Harold S. Untalan, Acting Station Commander ng Baliok Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Claudio”, 48 taong gulang, at residente ng Rasay Extension, Toril, Davao City.
Nakuha mula sa suspek ang 17.23 gramo ng shabu at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Ang tagumpay ng operasyong ito ay isang patunay ng kooperasyon ng publiko at PNP sa paglaban sa ilegal na droga at sa pagpapalaganap ng isang mas ligtas at maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino