Nasabat ng pulisya ang tinatayang Php126,480 halaga ng hinihinalang shabu sa matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit sa Kalayaan Avenue, Barangay Cembo, Taguig City nito lamang Miyerkules, Enero 29, 2025.
Pinangalanan ni Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Tonet”, 31 taong gulang.
Nasamsam mula sa suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 18.6 gramo at may tinatayang street value na Php126,480., mga perang ginamit bilang buy-bust money, at isang black coin purse.
Samantala, inihahanda na ang reklamo para sa mga paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa nadakip na suspek.
Ang Southern Metro Cops ay patuloy sa pagsupil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang mga nasasakupang lugar upang makamit ang isang mapayapa at mas ligtas na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos