Nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City Police Station ang humigit-kumulang 18.1 gramo ng hinihinalang shabu sa apat na nadakip na suspek nito lamang Biyernes, Oktubre 4, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Joey”, 41; alyas “Cathy”, 41; alyas “Joshua”, 15; at alyas “Aeron”, 17.
Naganap bandang 5:30 ng hapon sa Barangay North Signal, Taguig City ang operasyon at nakumpiska ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php123,080, Php500 bill na ginamit sa buy-bust money, isang coin purse, at isang weighing scale.
Inihahanda na ang reklamo para sa paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa mga suspek at isang Child In Conflict with the Law para sa pagsasampa sa Taguig City Prosecutor’s Office.
Patunay lamang ito na epektibo ang pagsagawa ng mga operasyon ng SPD upang masolusyunan ang talamak na bentahan ng droga sa kanilang mga nasasakupan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos