Quezon City — Tinatayang Php122,000 halaga ng shabu ang nasabat sa apat na suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police Station nito lamang Linggo, Abril 23, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Nicolas Torre lll, District Director ng QCPD, ang mga suspek sa pangalang Rosario, 43; Ricky Delmonte, 35; Gian Carlo, 30; at Reinalyn Domingo, 38, pawang mga residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, naganap ang operasyon ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) dahil sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng ilegal na droga ng mga suspek sa loob ng 935 San Pascual St. residence sa Brgy. Commonwealth, Quezon City na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska sa kanila ang 18 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php122,400, light brown coin purse, blue Huawei phone, gray na Realme phone, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Torre lll ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang walang humpay na operasyon laban sa ilegal na droga at sa lahat ng sangkot dito.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos