Aparri, Cagayan – Nasamsam ang tinatayang Php120,000 halaga ng marijuana sa anim na suspek kabilang ang limang estudyante sa buy-bust operation ng Cagayan PNP at PDEA Batanes sa San Antonio, Aparri, Cagayan nitong Martes, Agosto 9, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan PPO ang mga suspek na si alyas Dan, 26; alyas John, 21, estudyante, parehong mga residente ng San Antonio, Aparri, Cagayan; Alyas Diloy, 22, estudyante, residente ng Centro 13, Aparri, Cagayan; alyas Scotty, 22, estudyante, residente ng Maura, Aparri, Cagayan; alyas Buns, 22, estudyante, residente ng Centro 1, Aparri, Cagayan; at alyas Aly, 22, estudyante, residente ng Centro 8, Aparri, Cagayan.
Ayon kay PCol Sabaldica, nahuli ang mga suspek bandang 10:55 ng gabi ng mga tauhan ng Aparri Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Gil Pagulayan Jr., Cagayan Provincial Intelligence Unit, at katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batanes Provincial Office.
Ayon pa kay PCol Sabaldica, nakumpiska mula sa 6 na suspek ang dalawang pirasong hugis parihabang nakabalot ng brown scotch tape na naglalaman ng hinihinalang marijuana at may timbang na humigit kumulang 100 gramo; isang pirasong self-sealing transparent plastic sachet at isang malaking self-sealing transparent plastic na parehong naglalaman ng hinihinalang marijuana; ibaāt ibang drug paraphernalia; mga cellular phone; Samsung tablet; isang Php1,000; at isang Php500.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PCol Sabaldica ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakahuli sa mga suspek. Aniya, āsa pagkakarekober ng malaking halagang ito ng ipinagbabawal na gamot ay maraming inosenteng kabataan at buhay ang maisasalba sa mga masasamang epekto nitoā.
Source: Aparri Police StationĀ
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes