Bukidnon – Tinatayang nasa Php120,000 halaga ng tanim ng marijuana ang binunot ng mga tauhan ng Manolo Fortich Municipal Police Station sa Sitio Diamante, Brgy. Dalirg, Manolo Fortich, Bukidnon nitong Miyerkules, Enero 4, 2023.
Ayon kay Police Major Harvey Sanchez, Officer-In-Charge ng Manolo Fortich Municipal Police Station, bandang 2:00 ng hapon nang bunutin at sirain ang tanim ng marijuana ng mga miyembro ng Manolo Fortich MPS.
Nasa isang kilong marijuana ang binunot na nagkakahalaga ng Php120,000.
Patunay lamang na ang Manolo Fortich PNP ay patuloy sa kampanya sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10