Nadiskubre ang tinatayang Php12,900,000 halaga ng marijuana plants sa isinagawang marijuana eradication ng PNP-PDEA sa Sitio Mangal-Mangal, Barangay Masjid Punjungan, Kalingalan Caluang, Sulu noong ika-25 ng Pebrero 2024.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Sulu BARMM, Provincial Intelligence Unit Sulu PPO, Regional Intelligence Unit XI, National Intelligence Coordinating Agency, Kalingalan Caluang Municipal Police Station, 21st Infantry Battalion Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company, 54 Special Action Company, 5th Special Action Battalion, Regional Mobile Force Battalion.
Dito ay nadiskubre ng operatiba ang 15,000 fully grown marijuana plants na nakatanim sa 5,000 square meters na lupain at tinatayang nagkakahalaga ng Php12,900,000 kung saan agad naman itong binunot at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyong ito ay isang hakbang ng pagpapakita ng suporta sa isa sa isinusulong na programa ng pamahalaan na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan tungo sa isang drug-free na bansa para makamit ang maayos, maunlad at mapayapang bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya