Rizal – Nakumpiska ang tinatayang Php119,272 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Drug Enforecement Team kasama ang PDEA 4A sa kahabaan ng #546 Nawasa Est, Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal bandang 11:15 ng gabi nitong ika-22 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Bong”, 42 anyos, nakatira sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa suspek ang anim na pakete na may laman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 16.97 gramo na nagkakahalaga ng mahigit Php119,272, isang coin purse, at isang piraso ng Php500 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Pinuri naman ni PCol Maraggun ang operasyon at nanindigan na ang Rizal PNP ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng ilegal na droga sa probinsya.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales