Tuesday, January 7, 2025

Php117K halaga ng marijuana nasamsam ng Caloocan PNP

Caloocan City — Umabot sa Php117,000 halaga ng marijuana ang nasamsam sa isang lalaki ng Caloocan City Police Station nito lamang Miyerkules, Disyembre 28, 2022.

Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District (NPD), ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 30, residente ng Tupaz Kanan St. Novaliches Proper, Quezon City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr, bandang 5:15 ng madaling araw nang maaresto si Tanjuan sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 167 Llano, Caloocan City sa isinagawang OPLAN Sita ng mga tauhan ng Sub-Station 7, Caloocan CPS nang i-flag down ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Ayon pa kay PBGen Peñones Jr, ipinaalam sa suspek ang isinagawang Oplan Sita at hiningi ang kanyang driver’s license, OR/CR   ng motorsiklo, at ang laman ng plastic bag na nakasabit sa hook ng motorsiklo. Gayunpaman, sa halip na magtungo sa mga pulis, hindi inaasahang pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo upang makatakas na nagtulak sa kanya na habulin ng mga arresting officer at kalaunan ay nakorner.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang ladrilyo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may mga bungang tuktok na may tinatayang bigat na 975 gramo na nagkakahalaga ng nasa Php117,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 ng RPC o Disobedience of Person in Authority and his Agent at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang kapulisan ng Northern Metro ay lalong paiigtingin ang pagpapatrolya upang madakip ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga at gumagawa ng mga masama.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles