Cubao, Quezon City — Tinatayang Php116,400 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Cubao Police Station nito lamang Martes, Hulyo 26, 2022.
Kinilala ni QCPD Director, PBGen Remus Medina, ang suspek na si Nelson Dondon Ponferada, 35 at residente ng Brgy. Kaunlaran, Quezon City.
Ayon kay PBGen Medina, dakong 9:20 ng gabi naaresto si Ponferada sa harap ng Chua Bldg., P. Tuazon Blvd., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao PS-7 ng QCPD.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalagang Php20,400 at 800 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php96,000, isang cellphone, isang RUSI Motorcycle at buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Nahaharap si Ponferada ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Pinasasalamatan ko ang PS 7 sa kanilang walang humpay na pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga. Ipagpatuloy lang natin ito para makaiwas sa kapahamakan ang ating mamamayan,” ani PBGen Medina.
Source: Pio Qcpd
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos