Nasabat ang tinatayang Php116,960 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Street Level Individual sa Purok Dacudao Ext., Barangay J.P. Laurel, Panabo City, Davao del Norte nito lamang ika-6 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Kinilala ni PLtCol Jess Anthony B Maghirang, Acting Chief of Police ng Panabo CPS, ang suspek na si alyas “Gerwen”, 39 anyos, habal-habal drayber at residente ng Purok Orange Valley, Sobrecarey, Barangay South, Tagum City.
Ang suspek ay naaresto sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng nasabing istasyon at PDEA.
Narekober mula sa suspek ang humigit kumulang 17.2 gramo ng hinihinalang shabu, coin purse at buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang Police Regional Office 11 sa pangangasiwa ni Regional Director Police Brigadier General Aligre L Martinez ay patuloy na nakikiisa sa mga adhikain na suportahan ang mga programa ng pamahalaan tungo sa kaayusan at kapayapaan para sa ligtas na lipunan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino