Umabot sa Php113,560 halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng Southern Police District sa Taguig, Las Piñas at Muntinlupa City nito lamang Lunes, Oktubre 10, 2022.
Ayon kay Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director, sa Taguig City, bandang 11:00 ng gabi naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station, ang dalawang suspek sa Dreamland Subdivision, Brgy. Hagonoy, Taguig City na sina Kevin Carza y Oclares alyas “Kevin”, at Marcelo Robacio y Flores, construction worker, 34.
Nakumpiska kay Carza at Robacio ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may timbang na humigit kumulang 7.4 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php50,320 at Php200 na buy-bust money.
Sa Las Piñas City naman, dakong 11:40 ng gabi naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Pinas City Police Station, ang suspek na si Roger Cañaveral y Magbuhos alyas “Net”, 33, sa Satima Compound, Brgy Talon 2.
Narekober naman sa kanya ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 3.3 gramo ng hinihinalang shabu at may street value na Php22,440, at Php300 na buy-bust money.
Samantala, sa Muntinlupa City naman, bandang 2:45 ng madaling araw, naaresto ng mga tauhan ng SDEU, ang dalawa pang suspek na sina Ruben Asuncion y Serilla alyas “Bentot”, 50, at Genie Ajujan y Misa alyas “Geni”, 56, sa Biazon Road Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
Nasamsam sa kanila ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang 6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php40,800 at Php200 na buy-bust money.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 & 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hinihikayat ni PCol Kraft ang ating mga kababayan na makipag-ugnayan sa otoridadad upang maisuplong ang mga indibidwal na gumagamit o nangangalakal ng ipinagbabawal na gamot sa Southern Metro at mas lalo pang paiigtingin ng kampanya kontra ilegal na droga nang sa gayo’y makamit ang tahimik at ligtas na bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos