Wednesday, March 5, 2025

Php113K halaga ng shabu nakumpiska ng Taguig PNP; lalaking suspek timbog

Taguig City — Timbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng tinatayang Php113,288 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City Police Station nito lamang Biyernes, Agosto 11, 2023.

Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang suspek sa pangalang Michael, 40.

Nangyari ang naturang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig CPS, bandang alas-10:30 ng gabi sa isang tirahan sa Archer Street Palar, Barangay Pinagsama, Taguig City na naging dahilan ng pagkakadakip ng suspek.

Nakuha sa operasyon ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 16.66 gramo at may street value na Php113,288, dalawang Php100 na ginamit bilang buy-bust money at black eyeglass pouch.

Kasunod ng kanyang pagkadakip, sumailalim ang suspek sa physical at medical examination sa Taguig Pateros District Hospital.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa nahuling suspek.

Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng SPD kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa naturang distrito upang maging maunlad at tahimik ang kanilang nasasakupan.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,450SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles