Nasabat ang tinatayang Php111,996 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Coaco Beach, Barangay Pampanga, Davao City nito lamang ika-24 ng Pebrero, 2025.
Pinangunahan ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng Sasa Police Station katuwang ang TSC RMFB 11.
Kinilala ni Police Major Marcille M. Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Rodel”, 32 taong gulang, isang drayber at residente ng nasabing barangay.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 16.47 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php111,996, buy-bust money at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang patuloy na operasyon ng Police Regional Office 11 ay hindi lamang nakatuon sa pagsugpo ng mga iligal na droga, kundi pati na rin sa paglaban sa iba pang uri ng krimen, na isang mahalagang hakbang para sa pagtataguyod ng isang mas ligtas at mas maayos na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino