Narekober ang tinatayang Php11,500,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang intelligence-driven joint interdiction operation ng mga awtoridad sa Barangay Bubuan, Hadji Panglima Tahil, Sulu noong ika-4 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Waylon A Mang-Oy, Chief, Provincial Intelligence Unit ng Sulu Police Provincial Office, bandang 9:00 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon galing sa confidential informant tungkol sa trans-shipment ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa naturang lugar.
Agad namang gumawa ng agarang aksyon ang mga tauhan ng PNP-Sulu Police Provincial Office, PNP-Criminal Investigation and Detection Group, CIDG Sulu Provincial Field Unit, PNP-Maritime Police Station,1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Team-Regional Intelligence Unit 9, Hadji Panglima Tahil MPS, PNP-Patikul MPS, Bureau of Customs at NBI-Western Mindanao Regional Office 9 operatives na nagresulta sa pagkakakumpiska ng kahong-kahon na smuggled na sigarilyo.
Narekober mula sa operasyon ang 200 Master Cases/100,000 packs ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php11,500,000.
Ang matagumpay na pagkakarekober ng mga kontrabando ay resulta ng mas pinaigting na operasyon laban sa kriminalidad, police visibility, at border control sa nasasakupang lugar ng PNP.
Panulat ni Patrolwoman Marie Cris Algabre