Malabon City — Tinatayang Php108,800 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang Biyernes, Enero 27, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Ian” (Pusher/Listed), 34; alyas “Nognog”, (User/Listed), 42, sampaguita vendor; at alyas “Manjos”, (User/Listed), 33, na pawang mga residente ng Malabon City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, bandang 2:10 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St. corner Panghulo Road. Brgy. Panghulo, Malabon City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon CPS at PDEA kaugnay sa Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 16 gramo at may Standard Drug Price na Php108,800; at isang tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng tatlong suspek.
Tiniyak naman ni PBGen Peñones Jr, na makakaasa ang mga mamamayan ng CAMANAVA na patuloy na paiigtingin ang mga operasyon kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos