Nasamsam sa isang High Value Individual ang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang search warrant operation ng PNP sa Purok San Vicente Silway, Barangay Dadiangas West, General Santos City nito lamang Agosto 5, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Nicomedes P Olaivar Jr., City Director ng General Santos City Police Office, ang nahuling indibidwal na si alyas “Dondon”, 42 anyos, may asawa na residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang search warrant operation sa pinagsanib pwersa ng General Santos City Police Office-Police Station 1, City Police Drug Enforcement Unit-GSCPO, City Intelligence Unit at CMFC GSCPO.
Nasamsam mula sa suspek ang 11 pakete ng transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 16 gramo at nagkakahalaga ng Php108,800.
Mahaharap sa kasong paglabang sa Section 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Samantala, patuloy ang buong hanay ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Flora Mae Asarez-RPCADU 12