Bukidnon – Nasakote ang dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Don Carlos Municipal Police Station at nakumpiska ang tinatayang nasa Php103,000 halaga ng shabu sa P-2, Brgy. Sinangguyan, Don Carlos, Bukidnon nito lamang Abril 7, 2023.
Bandang 7:45 ng gabi ng ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang suspect na kinilalang si alyas “Amer”, 27, kabilang sa watchlist, at residente ng Brgy. Kili-kili, Wao, Lanao del Sur at alyas “Angel”, 22, watchlisted, at residente ng Wao, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 15.147 na gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php103,000, isang shoulder bag, isang plastic cellophane, isang cellphone, at isang unit ng RS 150 single motorcycle.
Mahaharap ang dalawang suspek sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reynante Reyes sa kampanya kontra ilegal na droga upang masawata ang mga indibidwal na nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga sa probinsya ng Bukidnon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10