Thursday, May 8, 2025

Php103K halaga ng shabu, baril at bala nasabat sa GenSan; suspek timbog

General Santos City – Tinatayang Php103,500 halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Lutos Subdivision, Brgy. San Isidro, General Santos City nito lamang Sabado, Nobyembre 18, 2023.

Ayon kay Police Colonel Nicomedes Olaivar, City Director ng General Santos City Police Office, nakuhanan ng limang sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na higit-kumulang 15 gramo na may Standard Drug Price na Php103,500 ang suspek na si alyas “Tan-Tan”, 27-anyos, at residente ng Tinoto, Maasim, Sarangani.

Narekober din mula sa suspek ang isang kalibre .45 na baril na may pitong bala, pera na ginamit sa transakyon, at iba pang non drug item.

Nahaharap si Tan-Tan sa kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act at Comprehensive Law on Firearms.

Ang walang humpay na operasyon laban sa ilegal na droga ay isang manipestasyon na seryoso ang GenSan PNP sa adbokasiya nito sa pagbabawas ng suplay ng droga sa komunidad alinsunod sa BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program ng DILG.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles